5 huli sa gun ban sa Maynila

MANILA, Philippines - Alinsunod na rin sa ka­utusan ni Manila Mayor Jo­seph Estrada hinggil sa pagpapairal ng gun ban, lima katao ang nadakip simula ng ipatupad ito noong Set­yembre 28.

Batay sa report na isinumite ni Manila Police District-Deputy District Director for Operations Sr. Supt. Joel Coronel  kay Estrada, simula­ Oktubre 1-3, lima katao na ang kanilang na­aresto bun­sod sa pagda­dala ng baril at patalim ha­bang ipi­nag­ babawal sa ilalim ng  Commission on Elections (Co­melec) Rules.

Kinilala ni Coronel ang mga naaresto na sina Marvin­ Dizon, 21, nakuha dito ang caliber .22 na Smith and Wesson;  Roger Alihaga, 24, .28 Magnum pistol; Bayan Macacua, caliber .45 Re­mington; Antonio Ulba, na nakum­pis­kahan ng mga bala ng .45 caliber at Argin Mariano, na nakuhanan ng patalim na may haba na 11 inches.

Ayon kay Coronel,  nag­la­gay na sila ng mga checkpoints sa iba’t ibang lugar sa lungsod  bunsod na rin ng pinaiiral na gun ban sa  paghahanda sa barangay eleksiyon.

Pinayuhan ni Coronel ang publiko na huwag magdala ng mga baril at anumang uri ng patalim upang hindi maharang lalo pa’t walang kaukulang papeles ang mga ito.

Sinabi naman ni Estrada na mahigpit ang kanyang kautusan  hinggil  dito upang matiyak na magiging ma­ayos ang paghahanda  sa baran­gay eleksiyon lalo na sa araw ng halalan.

Sa katunayan, nais niyang doblehin ang police vi­sibility  upang matiyak ang kaligtasan ng mga Manilenyo hindi lamang sa araw ng halalan kundi maging araw-araw upang mabawasan ang kriminalidad sa lungsod.

 

Show comments