Iniwan ng misis, mister nagbigti

MANILA, Philippines - Natuluyan  na sa ika-5 pagkakataon ang pagpapatiwakal ng isang 35-an­yos na lalaki na si­­nasabing problemado nang sumama sa ibang lalaki ang kanyang live-in partner, na nag-iwan ng dalawang anak, na nadiskubreng nakabitin sa loob ng inuupahang bahay sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Melchor Lim, miyembro ng Sigue-sigue Sputnik at residente  ng no. 111 P. Ducos St., Quaipo, May­nila.

Sa ulat ni PO3  Marlon­ San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, nadiskubre ban­dang alas-3:00 ng hapon  nitong Sabado ang walang buhay na nakabigting biktima, kaya nilagot ang lubid na ikinabit sa kisame ng ka­nilang kuwarto sa ikalawang palapag ng bahay.

Ayon sa inang si Virgina Samson, 50, dakong alas-7:00 ng umaga ay nakita pa niyang lumabas ng silid ang biktima.

Sa impormasyong ibi­nigay ng kaanak, masyadong dinamdam ng biktima ang pakikipagtanan ng live-in partner sa ibang lalaki at naiwan lamang ang dalawa nilang anak.

Apat na beses na umano­ ang tangkang pagpapakamatay ng biktima na napigilan ng kapatid na si Eduardo, subalit nitong huli ay hindi na nila natunugan.

Show comments