Erap nagbigay ng tulong sa beta-thalassemia patient

MANILA, Philippines - Walang mapagsidlanng kasiyahan  ang ina ng isang beta-thalas­semia patient matapos na bigyan ng tulong pi­nansiyal ni Manila Mayor Joseph Estrada.

Hindi matigil ang   pag­tulo ng  luha  ng ina ni  John Ace Landicho, 10 ma­tapos na  iabot ni  Estrada ang tseke na nagkakahalaga ng P65,000.

Ayon sa ina ni  John Ace, gagamitin ang halaga sa pagbili ng dugo para sa kanyang  regular na blood transfusion. Ang sakit na beta-thalasse­mia ay tinatawag ding severe anemia kung saan kinakain ng  white blood cell ang red blood cells.

Nabatid na 2-anyos pa lamang si John Ace  nang  simula itong  magkaroon ng  nasabing sakit.  Namana umano ng bata ang sakit.

Sinabi ng ina ni John Ace, bagama’t wala pang gamot sa sakit ng kanyang anak, mala­king tulong ang naibigay ni Es­trada dahil madudug­tungan ng matagal ang buhay  ni John Ace.

 

Show comments