Mga guro sa Pasay nagsagawa ng sariling kilos-protesta
MANILA, Philippines - Nagsagawa rin ng saÂriling kilos-protesta ang mga pampublikong guro sa tapat ng Pasay City Hall upang tuÂligsain ang hindi pagbibigay ng kanilang allowance ng lokal na pamahalaan.
Unang lumusob ang nasa 100 guro kahapon ng umaga sa pag-asang haharapin sila ni Pasay City Mayor Antonino Calixto upang mapaliwanagan kung bakit hindi pa naibibigay ang kanilang allowance sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan.
Bigo naman silang makausap ang alkalde na una nang nangako sa mga guro ng mas magandang mga benepisyo sa nakaraang anibersaryo ng “cityhood†ng Pasay.
Sumunod namang nagsagawa ng rally ang mga guro na pang-umaga naman ang pasok at kinalampag rin ang pamahalaang lungsod.
Napag-alaman na dating tumatanggap ng P2,000 allowance ang mga guro ng pampublikong paaralan sa lungsod ng Pasay subalit natapyasan pa umano ito at naging P1,200. Sa kabila ng pagtapyas ng lokal na pamahalaan sa kanilang allowance, naantala pa rin ang pamamahagi nito na labis na ikinairita ng mga guro.
Magugunita na una nang lumiham si City Treasurer Manuel Leycano sa alkalde na nagpapahayag ng mga pamamaraan upang makaÂtipid sa gastusin ang lokal na pamahalaan at matustusan ang kakapusan ng pondo na umaabot sa mahigit P800 milyong piso.
Bukod sa mga guro, atrasado rin ang pamamahagi ng allowance sa mga pulis, pati na ang sahod ng mga job order employees habang paunti-unti namang naibiÂbigay ang suweldo ng ilang mga casual, contractual at consultant.
Wala pa namang opisyal na tugon ang tanggapan ni Calixto sa akusasyon ng mga guro.
- Latest