MANILA, Philippines - Dahil sa matinding paÂngungulila sa misis at mga anak, nagpatiwakal ang isang mister kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Rommel Bautista, ng Station Investigation Branch (SIB), Caloocan City Police alas-7:10 ng gabi nang nakitang nakabigti ng cable wire sa loob ng kanilang bahay ang bikÂtimang si Ruel Resureccion, 35, ng Libis, Talisay.
Nakasulat sa likod ng picture frame ng kanyang panganay na si Kaye ang suicide note, kung saan humihingi ng pasensiya kung naging masama siyang ama at sinabing mahal na mahal niya ang mga ito.
Lumalabas na kararaÂting lamang sa PiliÂpinas mula sa ibang bansa ng misis ng biktima na hindi na pinabanggit ang pangalan.
Nabatid na hiniwalayan ang biktima ng kanyang misis at isinama nito ang mga anak na naging dahilan upang mangulila ito hanggang sa nagawa nitong kitlin ang sariling buhay.
Patuloy pa ring iniimbestigahan ang naturang insidente.