MANILA, Philippines - Magkakasunod na biÂnawian ng buhay habang ginagamot sa Philippine GeÂneral Hospital (PGH) ang mag-iina makaraang sumaÂbog ang tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) sa loob ng kanilang bahay sa Tondo.
Unang binawian ng buhay ang 6-anyos na anak na lalaki na nakilalang si Sean at kahapon lamang umano namatay na rin na magkasunod ang ina na si Jenny Nery, na pitong-buwang buntis 34; at ang isa pa nitong anak na si Saina, 3, pawang mga residente ng #1647 F. Varona St., Tondo, Maynila.
Base sa ulat ni Fire Officer 2 Lord Hernandez, ng Arson Division ng Manila Fire Bureau, dakong alas-9:30 ng gabi kamakailan nang bigla umanong sumabog ang LPG ng pamilya Nery.
Wala naman umanong nadamay na bahay sa pagÂsabog at unang isinugod ang mag-iina sa Mary Johnston Medical Center, ng bandang alas-9:45 ng gabi, at kinabukasan ay inilipat sila sa PGH, na kung saan halos lahat sila ay magkakasunod na namatay.
Mariin naman ang pagtanggi ng mga kaanak ng pamilya Nery na paimbestigahan pa ang insidente.