^

Metro

Guro sa Maynila libre sa sinehan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maaaring  nang malibre sa  mga sinehan  sa Maynila ang mga public schools  teachers ng lungsod.

Ito’y sakaling pumasa ang ordinansang inihain  ni Manila 4th District Councilor Don Juan ‘DJ’ Bagatsing sa konseho na tatawaging ‘Manila Public School Teachers’ Cinema Consolation’.

Naniniwala si Bagat­sing, na marapat lamang na bigyan  konsolasyon ang  mga guro sa pama­magitan nito dahil malaki ang naitutulong ng mga ito sa  lungsod ng Maynila.

Nakasaad sa ordinansa na maaaring makapanood ng  sine, dalawang beses sa isang buwan ang  guro na nagtuturo pa at may kaukulang identification cards.

Gayunman hindi maaa­ring gamitin ang prebilehiyo sa mga premier nights, sneak previews o first day showing.

Inaatasan din ng ordi­nansa ang  Manila Division of City Schools at Manila Social Welfare Department  na magkaroon ng koordinasyon hinggil sa pag-iisyu ng  special Movie card sa  mga kuwalipikadong guro.

Paliwanag ni Bagat­sing, sa oras na lumusot sa konseho ang ordinansa kailangan aniyang ipatupad ito sa loob ng 15 araw.

Ang sinumang lalabag ay  maaaring makulong  ng   isang taon o pagmumultahin ng P5,000.

vuukle comment

BAGAT

BAGATSING

CINEMA CONSOLATION

DISTRICT COUNCILOR DON JUAN

MANILA DIVISION OF CITY SCHOOLS

MANILA PUBLIC SCHOOL TEACHERS

MANILA SOCIAL WELFARE DEPARTMENT

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with