^

Metro

Mag-live-in partner kinatay sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Karumal-dumal ang sinapit ng mag-live-in partner na negosyante nang matagpuang patay habang nakatali ang mga kamay at  paa at nakabalot ng packaging tape ang mga mukha sa kanilang inuupahang  kuwarto sa Sampaloc, Maynila.

Nakilala ang mga biktimang sina Donald Victorino, 45, biyudo, tubong-Banangan, Benguet at Jenny Beth Bayeng, 35, ng  San Carlos Heights, Baguio City at kapwa naninirahan sa Atty. Ortiz Apartment sa  Carola St., Sampaloc, Maynila.

Batay sa imbestigasyon ni  SPO1 Richard Escarlan ng MPD-Homicide Section, natagpuan ang  halos naaagnas nang bangkay ng mga  biktima dakong alas-5 kamakalawa ng  hapon. Kapwa laslas ang leeg ng mga ito, nakatali ng electrical cord ang kamay at paa at may masking tape sa mga mukha.

Sa pahayag ng Brgy. ex-officer na si Jun Heres, ala-1 ng madaling-araw ng Setyembre 24 nang mapansin niya ang pag-aaway ng isang babae at lalaki kung saan pinagsa­sampal ng lalaki ang babae. Hindi umano niya pinansin ang pangyayari sa pag-aakalang away mag-asawa lamang ito.

Bago madiskubre ang mga biktima, tuma­tawag ang ilang mga trabahador sa cellphone ng mga biktima. Lima sa anim na  mga trabahador ng mga biktima ay umalis  patungong  Baguio noong  Setyembre 23.

Dahil sa hindi makontak, tinawagan ng  mga trabahador ang  kaibigan  ni  Victorino na si  Flor Mendoza na agad namang nagtungo sa bahay ng mga nasawi.

Ilang ulit na kinatok ni Mendoza ang pin­tuan ng mga biktima subalit walang suma­sagot kung kaya’t napilitan  ang una na ga­mitin ang  duplicate key kung saan pagbukas ng pinto ay nakita niya ang  duguang bangkay ni  Bayeng.

Nakita ang bangkay ni  Bayeng sa kuwarto ng mga trabahador habang sa master’s bedroom naman si Victorino.  

Ayon naman kay MPD-Homicide Section  chief, Sr. Insp. Steve Casimiro, nagsasagawa pa sila ng  imbentaryo sa gamit ng  mga biktima bagama’t walang nangyaring forcible entry sa bahay ng mga ito.

Nagsasagawa pa rin ng follow up ope­ration ang mga pulisya upang malaman ang motibo ng pamamaslang at kung sino ang posibleng may gawa ng krimen.

vuukle comment

BAGUIO CITY

BAYENG

CAROLA ST.

DONALD VICTORINO

FLOR MENDOZA

HOMICIDE SECTION

JENNY BETH BAYENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with