Libreng sakay sa LRT ang mga Marino ngayong araw

MANILA, Philippines - Magkakaloob ng libreng sakay ang Light Rail Transit (LRT) para sa mga Filipino seafarers ngayong araw na ito.

Ayon kay Atty. Hernando T. Cabrera, tagapagsalita ng LRT Authority (LRTA), ito’y bahagi ng pakikiisa nila sa pagdiriwang ng National Maritime Week.

Sinabi ni Cabrera na magsisimula ang libreng sakay mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Kinakailangan lamang umanong magprisinta ng valid Seaman’s Book o di kaya’y PRC ID upang makapag-avail ng libreng sakay sa LRT Line 1 at 2.

Show comments