MANILA, Philippines - Isang 50-anyos na may kapansanan umano sa pag-iisip ang natagpuang patay matapos na magbigti sa balcony ng kanilang bahay sa lungsod Quezon, gamit ang kadena ng aso, ayon sa ulat kahapon.
Ang biktima ay kinilalang si Horacio Velasco, binata, umano’y out patient sa Pasig Psychiatric Clinic, ayon kay PO2 Marlon dela Vega.
Ayon kay Dela Vega, ang bikÂtima ay natagpuan ng isang Gretchen Sangbaan, house helper habang nakaÂbigti sa may balcony ng kanilang bahay sa may #88 Dr. Lascano St., Brgy. Laging Handa, ganap na alas-5:30 ng madaling-araw.
Kasalukuyang gumagawa ng kanyang trabaho si Sangbaan nang madiskubre nito ang biktima dahilan para agad niyang ipagbigay alam ito sa kapatid na si Eduardo.
Agad namang rumesÂponde si Eduardo at pinutol ang kadena saka sinubukang i-revive ang biktima, pero nabigo rin ito.