MANILA, Philippines - Isang negosyante ang nasugatan matapos na taÂmaan ng ligaw na bala habang sakay ng kanyang kotse sa Brgy. San Antonio, Pasig City, kamakalawa ng gabi.
Ang biktima ay nakilalang si Elaine So, 58, negosyante at nakatira sa Beatle St., Valle Verde 6, Brgy. Ugong, Pasig City.
Inaalam naman na ng mga awtoridad ang pinagmulan ng ligaw na bala na tumagos sa kotse ni So at tumama sa kanyang balikat.
Batay sa report nina SPO1 Edward Maylas at SPO1 Michael Espares, kay P/chief Insp. Glenn Magsino, hepe ng Criminal Investigation Section (CIS) ng Pasig City Police, nabatid na dakong alas-6:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Meralco AvenueÂ, Ortigas, Brgy. San Antonio, Pasig City.
Nauna rito, sakay ang biktima ng kanyang Toyota Fortuner (ZHF-605) na minamaneho ni Jhon Edmund Guda, 25, stay-in driver nang bigla na lamang itong tamaan ng ligaw na bala.
Nang lingunin ni Guda ang biktima ay mayroon nang dugo na dumaloy mula sa kaliwang balikat ng biktima kaya’t kaagad na niya itong isinugod sa The Medical City upang malapatan ng lunas.
Wala pa namang makapagsabi kung saan nangÂgaling ang bala na tumama sa biktima.
Patuloy ang imbestigasÂyon sa kaso.