MANILA, Philippines - Apat katao ang kumpirmadong nasawi matapos na lamunin ng apoy ang tinutuluyan nilang condominium sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng umaga.
Kinilala ang mga biktima na sina Erlinda Ching, 40, at mga kasambahay na nakilala lamang sa mga pangalang Princess, Fatima at Rema.
Si Ching ay natagpuang nakalawit pa ang paa sa rehas ng nakakandadong fire exit sa mezzanine habang ang mga kasambahay ay natagpuang magkakatabi sa 3rd floor ng bahay sa 604 Fernandez St., Sta. Cruz, Manila.
Ayon kay Chief Insp. Bonifacio Carta ng Manila Fire Department, nagÂsimula ang sunog dakong alas-5:00 ng umaga at idiÂneklarang fire-out dakong alas-7:00 ng umaga. UmaÂbot ang sunog sa ika-limang alarma.
Tinatayang P3 milyon ang halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Arson Division sa sanhi ng sunog bagama’t sinaÂsabing nagmula ito sa nag-overheat na charger ng cellphone.