MANILA, Philippines - Anim pang hi-tech na waiting shed ang nakatakdang itayo ng lungsod ng Maynila bilang bahagi ng pagdidiÂsiplina sa mga commuters.
Ayon kay Manila Vice Mayor Isko Moreno, itatayo ang mga hi-tech na waiting shed sa Sta. Isabel, Quirino Ave., Trimodal, Park and Ride, V. Mapa at sa TIP-Manila.
Ang nasabing waiting shed ay wifi zone kung saan maaaring maka-access sa internet ang mga maghihintay at kung may emergency situation. Hanapin lamang sa inter net connections ang ‘Erap wifi’.
Sinabi ni Moreno na layunin nilang mailagay sa iisang lugar ang mga commuters sa tamang sakayan at babaan ng pasahero upang maiwasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko. Aniya, maiiwasan din ang pagkainip habang naghihintay ng kanilang masasakyan.
Noong Biyernes ay una nang pinasinayaan nina Moreno kasama si Manila Mayor Joseph Estrada ang University Belt waiting shed sa Univesity of Sto. Tomas.
Paliwanag ni Moreno, makikita din sa 36 degree na CCTV ang kilos ng mga commuters na maghihintay ng kanilang masasakyan
Sinabi naman ni Estrada na responsibilidad ni Supt. Santiago Pascual, hepe ng Sampaloc Police ang seguÂridad sa lugar kung kaya’t dapat na tiyakin nito na sapat ang kanyang pulis na magbabantay 24/7 gayundin ang pag-oobliga ng mga barangay sa kanilang nasasakupan.