^

Metro

MM muling binaha

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling binaha ang mara­ming mga kalsada sa Metro Manila dulot ng tuluy-tuloy na ulan dahil sa “Habagat” na hinahatak ng lumabas sa bansa na bagyong Odette.

Sa post sa social net­working site na Twitter ng MMDA, nasa “half tire deep” ang tubig-baha sa may Qui­rino at Leveriza sa Maynila dakong alas-11:26 ng umaga, gutter deep sa malaking bahagi ng Taft Avenue, Pedro Gil sa Maynila at sa Osmena-Buendia southbound sa Makati.

Umabot rin sa “gutter deep” ang baha sa Pasay Road at Pasong Tamo, MIA Road at Macapagal Avenue, Roxas Boulevard at Tomas Claudio.

Dakong alas-12:11, uma­bot rin ng “gutter deep” ang baha sa Andrews Avenue, Tramo sa Pasay.  “Half-tire deep” rin ang baha sa C5 patungo sa SLEX at sa Magallanes.

Binaha rin ang ilang istasyon ng Light Rail Transit Authority-Line 1.

Nasa “ankle deep” umano ang baha sa halos lahat ng kanilang istasyon habang “above knee deep” naman ang baha sa may R. Papa Station.

ANDREWS AVENUE

DEEP

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY-LINE

MACAPAGAL AVENUE

MAYNILA

METRO MANILA

PAPA STATION

PASAY ROAD

PASONG TAMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with