MANILA, Philippines - Hindi na lumantad sa pagÂdinig ng piskalya sa Maynila ang pangunahing testigo sa P10-B pork barrel fund scam na si Benhur Luy.
Dahil dito, sinabi ni Manila Assistant ProseÂcutor Philger Noel Inovejas na ikinokonsiÂdera nilang submitted for reÂsolution na ang kasong perÂjury na isinampa ng itinuturong pork barrel queen Janet Lim Napoles laban kay Luy at iba pang whistle blowers.
Noong nakaraang BiÂyerneÂs, nagsumite ng reply affidavit ang kampo ni Janet Lim-Napoles sa pamamagitan ng kanyang mga abugado na sina Atty. Tristan Zoleta at Atty. Takahiro Aman.
Nabatid na tatlong magkakahiwalay na kasong perjury ang isinampa ni Napoles laban kay Benhur Luy; Merlina Sunias, Arturo Âat Gertrudes Luy, mga magulang ni Benhur at mga kapatid na sina Arthur at Annabelle.
Ang perjury case ay isinampa ni Napoles laban kay Luy at iba pang whistle blowers dahil sa bintang ng mga ito hinggil sa serious illegal detention.