MANILA, Philippines - Lasog ang isang lalaki nang masagasaan ng isang trailer truck sa Yuseco St., sa Raxabago, Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.
Ang biktima na kinilalang si Junior ‘Abok’ Antonio, 21, ay isa umanong ‘jumper boy’ o ang umaakyat sa mga nagdaraang trailer truck sa kanilang lugar upang magnakaw ng anumang kargamento sa sasakyan.
Ayon sa ina ng biktima na si Mila Antonio, pabalik na umano ng Bataan ang kanyang anak kung saan natanggap ito sa trabaho bilang utilitiy man.
Gayunman, nakuhanan ng CCTV na nakainstila sa lugar kung saan nakitang nalaglag ang biktima sa sasakyan na umano’y kanyang pinagnanakawan hanggang sa siya ay masaÂgasaan.
Katapat din ng bangkay ng biktima ang isang liyabe na pinaniniwalaang gamit nito sa pagnanakaw.
Sinabi naman ni PO2 Romeo Ricalde ng MPD Station 7 na maaaring maÂkaÂsuhan ng reckless imÂprudence resulting to hoÂmicide ang driver ng truck na si Richard Saldivar.