MANILA, Philippines - Nakatutok ngayon ang Task Force Kae sa posibÂiÂlidad na sa Moonwalk Village sa Las Piñas dinukot ang naÂpaslang na adverÂtising executive na si Kristelle “Kae†Davantes makaraang mapanood ang bagong closed circuit television (CCTV) footage na isinumite ng Las Piñas City Police.
Sa ikaanim na case conference ng TF Kae, sinabi ni Chief Supt. Christopher Laxa na nahagip ng CCTV na nakakabit sa arko ng Moonwalk Village ang pagdating ng Toyota Altis (PIM-966) ni Davantes dakong ala-1:41 ng madaling-araw. Ngunit makaraan ang 10 minuto o dakong ala-1:51 ng madaling-araw, humaharurot na muling lumabas ang sasakyan kasunod ang isa pang behikulo.
Tumanggi si Laxa na banggitin kung anong uri ng sasakyan ang bumubuntot sa kotse ni Davantes ngunit sinabi nito na hindi nila maÂtiyak ang plaka dahil sa hindi malinaw na kuha ng CCTV.
Sinabi ng opisyal na maÂlaki ang posibilidad na sa loob ng Moonwalk Village hinarang si Davantes, kinumander ang kanyang saÂsakyan at mabilis na umalis.
Inatasan na ngaÂyon ni Laxa ang kanyang mga tauhan na suyurin ang Moonwalk Village upang makakuha ng testigo na maaaring nakakita kung nagkaroon ng komosyon sa mga oras na dinukot si Davantes.
Nanawagan si Laxa sa mga residente ng naturang lugar na makipagtulungan sa kanila upang mabigyan ng katarungan ang pagkakaÂpaslang kay Davantes.
Nasa P2.5 milyon na ang “reward money†na ibibigay sa sinuman na makapagbiÂbigay ng impormasyon na magbibigay-daan sa pagkaÂkakilala at pagkakadakip sa mga salarin. Sinabi pa nito na may hawak pa silang iba pang CCTV footage na hindi pa nila nasusuri na posibleng makadagdag pa sa nakukuha nilang lead sa imbestigasyon.