^

Metro

Kawatan itinumba ng vigilantes

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Akyat bahay ako, huwag pamarisan  vigilante.” 

Ito ang mga nakasulat na kataga sa kapi­rasong karton na nakuha sa isa na namang  biktima ng summary execution na natagpuan sa isang madilim na kalye ng Cubao, lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Kasama rin sa naturang sulat ang siyam na mga pangalang isusunod umano ng grupo ng mga vigilante na kanilang li­­likidahin, ayon sa ulat ng pulisya.

Samantala, ang biktima na tinatayang nasa pagitan ng edad 25-30, may taas na 5’1’’ at nakasuot ng maong na pantalon  ay nababalutan ng plastic tape ang mukha, tadtad ng saksak sa buong katawan at may bakas ng pananakal sa leeg.

Ayon kay PO2 Jogene Hernandez, posibleng miyembro ng “Batang City Jail” ang biktima dahil sa nakitang tattoo  sa may itaas na bahagi ng kanyang tagiliran, kasama ng mga tattoo sa kanyang buong katawan.

Dagdag ni Hernandez,  ang bangkay ay nadiskubre ng mga kabataang naglalakad sa may Diokno St., malapit sa 17th Avenue, Brgy. San Roque, Cubao, ganap na alas-2 ng madaling-araw.

Agad na ipinagbigay-alam nila ang in­sidente sa barangay na siya namang nagpabatid sa pulisya.

AKYAT

AYON

BATANG CITY JAIL

BRGY

CUBAO

DAGDAG

DIOKNO ST.

JOGENE HERNANDEZ

SAN ROQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with