MANILA, Philippines - Patay ang isang Tsinoy nang barilin ito sa kanang mata ng hindi pa kilalang suspek, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Ariel So, 35, ng Ma. Clara St., Brgy. 120 ng nasabing lungsod.
Samantala, nagsasagawa pa ng follow-up ang pulisya laban sa hindi pa nakikilalang suspek.
Lumalabas sa pagsisiyasat ng Station Investigation Division (SID) ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong ala-1:15 ng madaling araw sa BMBA Compound, 2nd Avenue ng nasabing lungsod habang ang biktima ay naglalakad nang biglang sumulpot sa harapan nito ang suspek na armado ng baril.
Walang sabi-sabing binaril nito ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamaÂtayan.
Blangko pa ang puÂlisya sa motibo at kung sino ang gumawa sa naturang krimen. Patuloy pang iniimbestigahan ang kaso.