MANILA, Philippines - Isang limang buwang fetus na lalaki na may sulat na naka-address sa ‘Diyos na lumikha’ ang natagpuan sa loob ng isang simbahan sa lungsod Quezon, kamaÂkalawa ng gabi.
Ayon kay PO3 Erickson Isidro, ang fetus ay natagpuan sa loob ng isang pribadong dasalan sa Blessed Sacrament of St. Joseph Shrine na matatagpuan sa Aurora Blvd., malapit sa paÂnulukan ng Anonas St., Brgy. 3-A Project 3, ganap na alas- 8:30 ng gabi.
Sabi ni Isidro, ang lalaking fetus na nasa limang buwan ay nasa loob ng kahon ng cherry mobile cellular phone na puno rin ng bulak.
Natagpuan anya ito ng parishioner na si Evangeline Tuprio na nagsabing nasa loob siya ng naturang chapel nang makita niya ang naturang kahon na nakalapag sa lugar. Nang damputin niya ang kahon ay napuna nito ang sulat, pero hindi niya tinignan ang laman sa halip ay ibinigay niya agad ito sa administrador ng simbahan.
Sabi pa ni Isidro, ang sulat ay naka-address kay “Dear Father†pero hindi sinabi kung sino ang nagsulat nito.
Ang tao umanong nagsulat nito ay humihingi ng patawad sa kanyang ginawa sa fetus na tinawag niyang “Baby John†base sa sulat.
Nakasulat sa note na wala umano siyang pera para isiÂlang ang bata, gayundin kapag inilibing ito.