MANILA, Philippines - Upang masiguradong patay, dalawang ulit na sinagasaan ng hindi pa nakikilalang driver ang binatilyo na kanyang unang nasagasaan sa Sampaloc, Maynila kahapon ng madaling-araw.
Dead-on-arrival sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Joel Realista, ng Earnshaw St., Sampaloc, Manila habang nagsasagawa naman ng follow-up operation ang pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan sa driver ng sasakyan na may plakang WMM 990 na tumakas maÂtapos ang insidente.
Sa report ni SPO1 Bert Francisco ng Manila Vehicle Traffic Investigation Section, dakong alas-2:25 ng maÂdaling-araw nang naganap ang insidente sa Earnshaw St. malapit sa kanto ng GaÂlicia St., Sampaloc, Manila.
Ayon sa saksing si Christopher Fernandez, napansin niya na binabagtas ng naÂsabing sasakyan ang Earnshaw St., sa direksyon patungong norte nang pagsapit malapit sa kanto ng Galicia ay aksidenteng nasagasaan nito ang biktima na naglalakad sa nasabing lugar.
Dahil sa lakas ng pagkaÂkabangga, tumilapon ang biktima ng ilang metro sa harapan ng sasakyan saka bumagsak ang katawan nito sa semento.
Bahagyang tumigil ang driver ng sasakyan subalit imbes na tulungan ang biktima ay muli nitong pinaandar ang kanyang sasakyan at muling sinagasaan ang binatilyo saka mabilis na pinaharurot papalayo ang kanyang sasakyan.
Isa namang kagawad ng Philippine National Red Cross (PNRC) na nakilalang si Ram Gapong ang suÂmaklolo sa biktima at isinugod sa ospital subalit idineklarang dead-on-arrival ang huli.
Ang katawan ng biktima ay kasalukuyang nakalagak sa Grace Memorial Services para sa safekeeping at awtopsiÂya.