Prostitution den sinalakay

MANILA, Philippines - Labing-anim na kababaihan, kabilang ang apat na menor-de-edad ang naisalba sa pagsalakay ng mga tauhan ng Manila Police District-General Assignment Section sa isang prosti­tution den sa Sta. Cruz, Manila, kamakalawa ng madaling-araw.

Ipinagharap ng kasong paglabag sa Section 4 (acts of trafficking in person) na awtomatikong pasok din sa Sec. 9 (qualified trafficking in person) alinsunod sa Republic Act 10364 (“Expanded Anti-Trafficking in Person Act of 2012) ang may-ari ng Asia Bar na matatagpuan sa panulukan ng Tomas Mapua at Espelita Sts., Sta. Cruz na si Quingli Li, 44, Chinese national, ng Padre Algue St., Tondo, Maynila at Jaycee Santos, 30, manager, at residente ng Velasco St., Sangandaan, Caloocan City bilang accomplice.

Show comments