Palaboy natagpuang patay

MANILA, Philippines - Inakalang natutulog lamang sa ilalim ng hagdanan ng Light Rail Transit ang isang  miyembro ng Batang City Jail na nadiskubreng  patay na  sa  panulukan ng United Nations Ave. at Taft Avenue, sa Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.       

Sa ulat  ni SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktimang si Manolo Marcelo, may edad na  50-55, ay nakita ng barangay tanod at mga pedicab driver na hindi na gumagalaw kaya ipinabatid sa pulisya. Siya ay nagtataglay ng mga tattoo sa katawan kabilang ang nasa kaliwang dibdib na  â€œKO AMA” at sa kanan ay “KO INA”.

Wala namang nakitang sugat o indikasyong pinaslang ito.

 

Show comments