MANILA, Philippines - Mas lalakas pa ang kooperasyon sa pagitan ng Philippine Bureau of Customs (BOC) at Korean Customs Service (KCS) kasunod ng isinagawang Bilateral Meeting ng mga hepe ng Customs ng dalawang bansa sa Manila Hotel kamakalawa.
Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon, layon nitong maging maayos ang kalakalan, travel facilitation, cargo security, intelligence, personnel trainings at pagsugpo sa smuggling.
Makatutulong din ito sa pagpapataas ng BOC’s revenue at madagdagan din ang kapabilidad sa pagsugpo ng mga smugglers, at upang umangat ang industriya ng turismo ng bansa sa Korea.
Ito rin ang magiging daan upang muling mahikayat ang mga turista na bisitahin ang bansa.