MANILA, Philippines - Dalawa sa anim na mga holdaper ang nahuli maÂtapos nilang pagnakawan ang Berland International Company sa may Felicidad compound sa Brgy. Vitalez ilang metro ang layo sa Ninoy Aquino InterÂnational Airport (NAIA) Terminal 2, kamakalawa.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng running gun battle ang magkabilang panig habang hinuhuli ng pulisya ang daÂlawa sa anim ng holdaper na sina Josh Poligay at Roven Calleja.
Si Calleja, ay tinamaan ng bala sa katawan maÂtapos itong makipagpalitan ng putok sa mga security guard na nagbabantay ng Berland Co.
Pinaghahanap naman ang apat pa sa isang follow up operation.
Napag-alaman na nakuha mula sa Berland Company ang may P96,000 cash at hindi pa mabatid na bilang ng mga foreign currencies pero ito ay na-recover sa dalawang nahuling suspects.