Trader, kritikal sa hataw ng baril
MANILA, Philippines - Isang babaeng negosÂyante at retiradong assistant treasurer ng Navotas City Hall ang nasa kritikal na kondisÂyon matapos itong hatawin ng baril ng lalaking nang-hold-up sa kanya kahapon ng umaga sa naturang lungsod.
Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Hospital si Rosalinda Ang, ng #37 Magat Salamat St., Bgy. Daang Hari, Navotas City sanhi ng palo ng baril sa ulo at nabagok pa ito sa semento nang mahulog sa sasakyan.
Nagsasagawa pa ng folÂlow-up ang mga pulis at inaÂalam pa ang pagkakakilanlan ng suspect.
Ayon kina PO2 Allan Bangayan at PO2 Philip Balera, ng Station Investigation Division (SID) ng Navotas City Police, naganap ang insidente dakong 8:45 ng umaga sa kahabaan ng Padilla St., Brgy. Daang Hari ng naturang lungsod.
Sakay ang biktima sa isang pedicab at hinarang ito ng suspect na naka-motorsiklo, sabay tutok ng baril at nagdeklara ng hold-up hanggang sa tinangay ang shoulder bag ng biktima, na naglaÂlaman ng hindi pa mabatid na halaga ng cash, tatlong mamahaling cellphone at ilang ATM card.
Dahil dito ay nanlaban ang biktima sa suspect kaya agad na pinalo ng baril na naging dahilan para mahulog at mabagok ang ulo sa semento.
Kaagad na isinugod ang biktima ng ilang taong naroroon sa nabanggit na ospital at ang suspect naman ay maÂbilis na tumakas.
- Latest