P67.4-M smuggled goods nasabat ng BOC

MANILA, Philippines - Nasabat ng mga Bureau of  Customs  ang 14  na  40-footer container  van na nagkakahalaga ng P67.4 milyong iba’t ibang  mga  smuggled goods matapos tangkaing ipuslit sa Manila International Container Terminal (MICT).

Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon, kabilang dito ang apat na container na naglalaman ng  sub-standard na motorcycle helmet mula sa China at nagkakahalaga ng P4 milyon.

Ang pitong con­tainers namang nagmula sa Hong Kong ay naglalaman ng gamit na damit at sapatos na idineklarang spareparts at nagkakahalaga ng P52.5 milyon.

Isang container na naglalaman din ng used clothing mula rin sa Hong Kong ang idineklarang mga laruan na may halagang P7.5 milyon.

Habang dalawang container ng sibuyas na galing China ang idineklarang housewares na nagkakahalaga ng P3.4 milyon.

Naka-consign ang mga kontrabando sa Pharaoh International Marketing, Great Circle Trading, Double E Trading­ at Nolman Commercial.

Inatasan din ni Biazon ang  kanyang mga tauhan na mas doblehin ang  monitoring lalo pa’t papalapit na ang Pasko.

Kakasuhan ang mga ito ng paglabag sa Tariffs and Customs Code of the Philippines. 

 

Show comments