P67.4-M smuggled goods nasabat ng BOC
MANILA, Philippines - Nasabat ng mga Bureau of Customs ang 14 na 40-footer container van na nagkakahalaga ng P67.4 milyong iba’t ibang mga smuggled goods matapos tangkaing ipuslit sa Manila International Container Terminal (MICT).
Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon, kabilang dito ang apat na container na naglalaman ng sub-standard na motorcycle helmet mula sa China at nagkakahalaga ng P4 milyon.
Ang pitong conÂtainers namang nagmula sa Hong Kong ay naglalaman ng gamit na damit at sapatos na idineklarang spareparts at nagkakahalaga ng P52.5 milyon.
Isang container na naglalaman din ng used clothing mula rin sa Hong Kong ang idineklarang mga laruan na may halagang P7.5 milyon.
Habang dalawang container ng sibuyas na galing China ang idineklarang housewares na nagkakahalaga ng P3.4 milyon.
Naka-consign ang mga kontrabando sa Pharaoh International Marketing, Great Circle Trading, Double E Trading at Nolman Commercial.
Inatasan din ni Biazon ang kanyang mga tauhan na mas doblehin ang monitoring lalo pa’t papalapit na ang Pasko.
Kakasuhan ang mga ito ng paglabag sa Tariffs and Customs Code of the Philippines.
- Latest