P250-M shabu nakumpiska ng PDEA
MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P250 milyong halaga ng hinihinalang iligal na drogang shabu ang nakumÂpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa entrapment operation sa dalawang Chinese national, kamakalawa sa Las Piñas City.
Nakilala ang mga nadakip na suspect na sina Jang Wei Chung, alyas “Airas Chenâ€, 30, ng #236 Ongpin St., Sta. Cruz, Maynila; at Yaya Zheng, 26.
Nabatid sa ulat na isinagawa ang operasyon kamaÂkalawa ng hapon makaraang isang asset ng PDEA ang nakipagtransaksyon sa mga suspect sa pagbili ng shabu. Itinakda ang bentahan sa may Brgy. Pamplona II, ng naturang lungsod.
Hindi na nakapalag sina Jang at Zheng nang mapalibutan ng mga ahente ng PDEA matapos na magkaabutan ng bayad at ng droga. Nakumpiska sa posesyon ng mga suspect ang nasa 50 kilo ng hinihinalang shabu at isang Mitsubishi Montero na gamit ng mga suspect sa operasyon.
Nakadetine ngayon sa PDEA detention cell ang mga suspect na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest