^

Metro

5 ‘tulak’arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Limang pinaniniwalaang ‘tulak’ ng iligal na droga na nag-ooperate sa pitong barangay sa Taguig City ang nasakote sa isinagawang magkakasunod na operasyon ng Taguig City Police sa naturang lungsod kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang mga naaresto na sina Bain Intan Myra Lumamba, 31; Richard Anabeza, 24; Muslimin Kindato, 53, Roelito Jo, 33; at Saudi Amin, pawang mga residente ng Brgy. Maharlika.

Sa ulat ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group (SAID-SOTG), dakong alas-5 ng madaling araw nang isagawa ang operasyon kung saan dalawang pulis ang nagpanggap na buyer.

Hindi na nakapalag ang limang suspek nang sumulpot ang mga nakasubaybay na pulis makaraang magkabayaran sa binibiling iligal na droga.  Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia, isang 12 gauge shotgun na may 20 bala at P3,000 marked money.

Sa imbestigasyon, nag-ooperate umano ang limang naaresto sa mga barangay Maharlika, Upper Bicutan, Bagumbayan, Central Bicutan, South Signal, New Lower Bicutan at Lower Bicutan.

BAIN INTAN MYRA LUMAMBA

CENTRAL BICUTAN

DRUGS-SPECIAL OPERATIONS TASK GROUP

LOWER BICUTAN

MAHARLIKA

MUSLIMIN KINDATO

NEW LOWER BICUTAN

RICHARD ANABEZA

ROELITO JO

SAUDI AMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with