MANILA, Philippines - Matagal nang kinikimkim na sama ng loob ang dahilan sa pagpatay ng isang pamangkin sa tiyuhing 66-anyos sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang nasawi na si Godofredo Paladio, negosÂyante, residente ng Antipolo St., Sampaloc, Maynila.
Arestado naman ang suspect na pamangking si Conrado Paladio alyas “Boyongâ€, 54, ng Firmeza St., Sampaloc.
Nabatid sa ulat ni SPO2 Ronald Gallo ng MPD-Homicide Section, dakong alas-6:45 ng gabi nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang magtiyuhin nang komprontahin ang biktima ng suspect kung bakit hindi pinalalayas ang nangungupahan sa kanilang kuwarto na pamilya umano ng maiingay.
Dahil sa pagtanggi ng biktima na paalisin ang nanguÂngupahan, isinumbong ng suspect sa kanilang barangay ang perwisyo umano ng maingay na mga okupante na istorbo sa magkakapitbahay.
Dahil nanindigan ang matanda na huwag paalisin ang kaniyang mga okupante, ikinagalit ito ng pamangkin hanggang sa pagsasaksakin ng walong beses ang huli.
Naisugod pa sa Ospital ng Maynila ang biktima ngunit bigo nang maisalba dahil sa tinamong mga saksak sa tiyan at tuhod.
Nagtamo naman ang kasambahay na si Belina San Pedro, 54 ng isang saksak sa kaliwang braso matapos na umawat sa suspect. Kaagad ding sumurender sa awtoridad ang suspect na ipinagharap na ng kasong parricide.