MANILA, Philippines - Patay ang dalawang holdaper makaraang makipagpalitan ng putok sa mga pulis matapos mangholdap sa isang pampasaherong jeep, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Inilarawan ang isa sa naÂpatay na suspect na may suot na kulay gray shirt at maong pants, nasa 5’2’’ ang taas, payat at may tattoo “tuper polintang†sa dibdib, “sss†sa kanang braso, at “Sol Agustin†sa likod.
Habang ang isa naman ay nakasuot ng maroon t-shirt na may imahe ng Nazareno at asul na maong pants, 5’9’’ ang taas, at may tattoo na “Angel Hermit†sa dibdib, “Noyet†sa kaliwang braso at “Maris cotes†sa kaliwang bahagi ng katawan.
Ayon kay PO3 Jaime de Jesus ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, nangyari ang panghoholdap dakong alas-10:15 ng gabi sa loob ng isang pampasaherong jeep sa tapat ng Quezon Institute na matatagpuan sa kahabaan ng E. Rodriguez Ave., Brgy. Tatalon, sa naturang lungsod.
Nagpanggap umano na mga pasahero ang mga suspect at nagdeklara ng holdap.
Tinutukan ng mga suspect ng baril ang mga pasahero ng jeep at kinuha ang kanilang mga pera at gamit.
Tiyempo naman na nagsaÂsagawa ng anti-criminality patrol sa lugar ang tropa ng mga pulis ng Quezon City Police Station 11 nang mapansin nila ang isang lalaki na tumalon sa umaandar na pampasaherong jeep.
Agad na rumesponde ang mga awtoridad at pinuntahan ang jeep upang alamin ang nangyari ngunit bago pa man sila makarating dito ay nakita na nila ang dalawang armadong lalaking nagmamadaling bumaba ng jeep dala ang mga nasamsam na mga gamit.
Nang sitahin ng mga awtoridad ang mga suspect ay bigla na lamang sila nitong pinaputukan.
Dahil dito, gumanti ng putok ang mga awtoridad na nauwi sa ingkwentro hanggang sa masawi ang mga suspect.
Narekober sa lugar ang isang cal. 38 baril, dalawang basyo ng bala ng cal. 9mm, isang basyo ng kal. 45 at dalawang tingga nito at mga metal fragment.
Inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspect. (With trainee Ma.Juneah Del Valle)