MANILA, Philippines - Dahil sa pagkabigo sa pag-ibig, isang lalaki ang nagÂtangÂkang magpakamatay sa pamamagitan ng pag-akyat sa isang billboard makaraang hindi pumayag ang nobya na makipag-live-in sa kanya kahaÂpon ng umaga sa Quezon City.
Ayon kay Supt. Pedro SanÂchez ng Quezon City Police-Station 2, dagdag pa rito ang labis na depresyon kung kaya ginawa ni Lucien June Gocotano, 22, binata, ng Valenzuela City na umakyat sa naturang billboard na may 45 talampakang taas. Si Gocotano ay umakyat ng billboard na mataÂtagpuan sa Congressional AveÂnue, Brgy. Ramon Magsaysay dakong alas-8:30 ng umaga.
Ayon sa pulisya, bago ang inÂsidente, galing umano ng Bacolod si Gocotano kung saan niya inaya ang nobyang nagngangalang Teresa na maÂkipag-live-in sa kanya, ngunit nabigong mapapayag ang nobya sa kagustuhan ng huli na tapusin muna ang pag-aaral.
Dahil sa sama ng loob sa nobya, napagpasyahan ni Gocotano na bumalik sa Maynila at pagsapit sa naturang lugar ay saka umakyat sa billboard para magpakamatay na lamang.
Agad namang dumating ang mga rescuers saka sinubukang kumbinsihing bumaba si Gocotano, pero nabigo rin sila.
Tinawagan din ang kaanak nito, hanggang sa makontak nila ang pinsan nitong si Franklin. Dala marahil ng maÂÂtinding init, naghubad pa ng damit pang-itaas si Gocotano, habang kinakausap ng kanyang pinsan, saka humingi ng tubig. At makalipas ang alas-12 ng tanghali, tuluyan nang sumuko si Gocotano. Sabi ni Sanchez, iniÂimÂbesÂtigahan na nila si Gocotano na posibleng maÂharap sa kasong alarm scandal.