MANILA, Philippines - Nakikipagtulungan na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagresolba sa kaso ng pamamaslang sa 25-anyos na senior account manager at marketing officer na si Kristelle “Kae†Davantes, na natagpuang patay sa bahagi ng Silang, Cavite noong Sabado ng umaga.
Nananatiling blangko pa ang mga awtoridad sa motibo at sa kung sino ang responÂsable sa krimen.
Dakong alas-6:00 nang umaga nang madiskubre ang bangkay ni Davantes na tadtad ng saksak, nakatali ang mga kamay, may busal na panyo sa bibig, may marka ng sakal sa Brgy. Sabutan, Silang, Cavite.
Hindi rin umano ginahasa ang biktima, subalit nawawala naman ang minamaneho nitong Toyota Altis (PIM-966) na kulay gold.
Nabatid na si Davantes ay senior account manager ng McCann Worldgroup Philippines MRM at marketing officer ng European Chamber of Commerce of the Philippines.