MANILA, Philippines - Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuan sa Taguig City kahapon ng madaling araw na binalot sa plastic at isinilid sa sako.
Sa ulat ng Taguig City Police, dakong alas-5 ng umaga nang tumambad sa mga miyembro ng barangay security force ang bangkay ng laÂlaking tinatayang nasa pagitan ng edad na 35 hanggang 40 taong gulang, nakasuot ng kulay brown na t-shirt at brown na short pants sa gilid ng C-5 Road Brgy. Napindan.
Sa imbestigasyon ng Taguig police, may palaÂtandaan na binigti muna ang biktima bago pinagbabaril.
Ayon sa security guard na si Arnold Guda, dakong alas- 2:30 ng madaling-araw nang mapuna niya ang pabalik-balik na isang puting kotse sa C-5 Road at nang bumalik na siya sa puwesto ay nakarinig siya ng putok na inakala niyang fireworks.
May hinala ang pulisya na patay na ang biktima nang dalhin sa lugar at tiniyak lamang na hindi na mabubuhay nang muling pagbabarilin.
Pansamantala namang inilagak sa Loreto Funeral Homes ang bangkay upang doon isagawa ang otopsiya.