Misis ng assassin, umapela kay Erap
MANILA, Philippines - Umapela ng tulong kay Manila Mayor Joseph Estrada ang isang misis ng umano’y assassin na pinatay noong nakaraang buwan sa Antipolo City.
Sa pahayag ni Dorina Laboro, 40, ng Pandacan, Maynila, pinatay ang kanyang asawang si Rolando, 41, dahil sa pagnanais nitong umatras sa ipinapagawa sa kanya na pagpatay sana kay Mayor Casimiro “Jun†Ynares III.
Ayon kay Dorina, Agosto 26, dakong alas- 4:30 ng hapon nang tawagan umano ng isang Freddie na opisyal sa Antipolo City Hall ang kanyang asawa upang ipatumba si Ynares.
Inamin ni Dorina na unang tinanggap ng kanyang asawa ang trabaho dahil sa alok na P1 milyon para na rin sa kanyang pagpapa-opera sa mata.
Subalit nagdalawang-isip ang kanyang asawa hanggang sa magdesisyon itong huwag nang isagawa ang balak na pagpatay.
Bandang alas-6 ng gabi nang tawagan niya ang cellphone ni Rolando ngunit hawak na ito ng pulisya at sinabing napatay ang kanyang asawa. Aniya, posible umanong natakot si Freddie na ‘ikanta’ ni Rolando kung kaya’t ipinapatay ang kanyang mister.
Ang lahat ng ginagawa ng kanyang asawa ay hindi lihim sa kanya. Nagtataka lamang si Dorina, kung bakit nakita sa crime scene ang helmet na pagmaÂmay-ari ng isang nagÂngangalang ‘Jan-Jan’ na dapat ay kasama ng kanyang asawa na magtutumba kay Ynares.
Dito na nagpasyang humingi ng tulong si Dorina kay Manila Councilor Joel Par na nakakasakop sa kanyang tirahan sa Pandacan.
Tiniyak naman ni Estrada na lahat ng tulong ay ibibigay kay Dorina partikular ang pagbibigay ng scholarship sa anak nito na 3rd year high school. Pansamantala ring ililipat ng tirahan ang mag-ina para na rin sa kanilang seguridad.
Nabatid pa kay Estrada na nagulat din si Ynares nang kanyang ipaalam ang planong assassination sa kanya (Ynares).
- Latest