MANILA, Philippines - Muling nagtaas ng presyo sa kanilang mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na muling pinangunahan ng Big 3 oil companies.
Sabay-sabay na nagtaas ng kanilang presyo dakong alas-6 kahapon ng umaga ang Pilipinas Shell, Chevron Philippines at Petron Corporation.
Magkakaparehong presyo ang itinaas ng mga kompanya ng langis.
Nasa P.30 kada litro ang itinaas sa presyo ng premium at unleaded gasoline, habang P.30 kada litro naman sa kerosene habang wala namang paggalaw sa presyo ng diesel.
Agad namang sumunod sa naturang paggalaw ng presyo ang Total Philippines, PTT, UniOil at Eastern Petroleum habang inaÂasahang susunod ang iba pang independent players sa bansa.
Patuloy na ikinakatwiran ng mga kompanya ng langis ang pagsirit sa presyo ng inaÂangkat nilang produkto na pamahal nang pamahal dahil sa nagaganap na kaguluhan sa Syria at palitan ng piso sa dolyar.