MANILA, Philippines - Mariing nilinaw kahapon ng Simbahang Katoliko na hindi sila ang organizer ng ‘EDSA Tayo’ rally na isasagawa sa EDSA Shrine sa bukas, araw ng Miyerkules (Set. 11).
Sinabi kahapon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), hindi naman sila ang pasimuno at nanawagan na mag-rally sa EDSA Shrine kaugnay sa pagkontra sa pork barrel system, kungdi nagbigay lamang ng pahintulot para gamitin ang shrine bilang venue nito.
Sa kabila nito, aminado naman si Pabillo na suportado nila ang pagtitipon laban sa pork barrel dahil nakikiisa sila sa panawagang ma-abolish ito.
Hindi rin aniya nila pipilitin ang mga mamamayan na dumalo sa pagtitipon dahil nasa mga ito aniya ang desisyon kung lalahok o hindi.
“We allowed them to use the shrine upon seeing that their program is orderly and systematic,†aniya.
Ang ‘Edsa Tayo’ ay ikalawang pagtitipon ng mga mamaÂmayan laban sa pork barrel. Ang una ay ang Million People march na ginanap sa Luneta noong Agosto 26.
Inaasahang hindi rin naman ito ang magiging huli dahil isa pang anti-pork gathering ang nakatakda ring idaos muli sa Luneta sa Setyembre 13.