MANILA, Philippines - Muli na namang nagkaÂaberya ang operasyon ng Light Rail Transit Authority-Line 1 kahapon makaraang masira ang kable na nagsusuplay ng kuryente sa mga tren sa isang bahagi ng R. Papa Station sa Maynila.
Pasado alas-10 ng umaga nang mag-umpisa ang aberya.
Sinabi ni LRTA spokesman Atty. Hernando CabÂrera na nagkaroon ng tripping ng catenary line sa pagitan ng R. Papa at Abad Santos.
Ang catenary line ang nakasabit na kable na konektado sa mga tren na siyang nagsusuplay ng kuryente para tumakbo ang mga ito.
Agad namang nagsuspinde ang operasyon ng LRT mula Roosevelt Station hanggang Blumentritt Station dakong alas-10:15 ng umaga. Lumala pa ito makaraang umabot na mula Roosevelt hanggang Central Station ang opeÂrasyon.
Dahil dito, libu-libong pasahero na regular na suÂmakasay sa LRT ang nagsiksikan, nagkatulakan at nagkapikunan sa mga pila sa mga istasyon na umabot ng lagpas 300 metro.
Dakong ala-1:30 na ng hapon nang tuluyang maÂtapos ang pagkukumpuni at naÂibalik sa normal ang opeÂrasyon ng LRT 1.
Nauna rito, inamin ni Cabrera na nasa 26 na tren lamang ang umaandar sa Line 1 dahil sa may mga problema ang ibang mga tren kaya nagiging mabagal ang pagdating ng mga ito sa mga istasyon sanhi para matambak ang mga pasaherong naghihintay.