^

Metro

Aberya uli sa LRT; libu-libong pasahero apektado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muli na namang nagka­aberya ang operasyon ng Light Rail Transit Authority-Line 1 kahapon makaraang masira ang kable na nagsusuplay ng kuryente sa mga tren sa isang bahagi ng R. Papa Station sa Maynila.

Pasado alas-10 ng umaga­ nang mag-umpisa ang aberya. 

Sinabi ni LRTA spokesman Atty. Hernando Cab­rera na nagkaroon ng tripping ng catenary line sa pagitan ng R. Papa at Abad Santos.

Ang catenary line ang nakasabit na kable na konektado sa mga tren na siyang nagsusuplay ng kuryente para tumakbo ang mga ito.

Agad namang nagsuspinde ang operasyon ng LRT mula Roosevelt Station hanggang Blumentritt Station dakong alas-10:15 ng umaga. Lumala pa ito makaraang umabot na mula Roosevelt hanggang Central Station ang ope­rasyon.

Dahil dito, libu-libong pasahero na regular na su­makasay sa LRT ang nagsiksikan, nagkatulakan at nagkapikunan sa mga pila sa mga istasyon na umabot ng lagpas 300 metro.

Dakong ala-1:30 na ng hapon nang tuluyang ma­tapos ang pagkukumpuni at na­ibalik sa normal ang ope­rasyon ng LRT 1.

Nauna rito, inamin ni Cabrera na nasa 26 na tren lamang ang umaandar sa Line 1 dahil sa may mga problema ang ibang mga tren kaya nagiging mabagal ang pagdating ng mga ito sa mga istasyon sanhi para matambak ang mga pasaherong naghihintay.

 

ABAD SANTOS

BLUMENTRITT STATION

CENTRAL STATION

HERNANDO CAB

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY-LINE

PAPA STATION

ROOSEVELT STATION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with