Call center agent at 2 pa, huli sa shabu

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)  isang call center agent at dalawa pang tulak ng shabu sa Pasay City.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga nadakip na sina Michael T. Chua, alyas Macky, 31, call center agent; Armando R. Dayao, alyas Jerome, 47; at  Mario E. Flores, 53, pawang taga-Pasay City.

Nakumpiska mula sa tatlong suspek ang walong sachet­ ng shabu at mga drug paraphernalia.

Bunga nito,  ang tatlo ay kinasuhan  ng paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) at Section 15 (Use of Dangerous­ Drugs), Article II ng Republic Act 9165 na kilala rin bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Show comments