MANILA, Philippines - Nasa 500 kapulisan ang ipapakalat ng National Capital Regional Police Office para sa isasagawang kilos protesta sa EDSA sa darating na Miyerkules (Setyembre 11).
Ayon sa NCRPO, nabatid na ang 500 bilang ng mga pulis ay itatalaga para magmantina ng police visiÂbility at peace and order ay magmumula sa Quezon City Police District at Mandaluyong City Police.
Nabatid na ang mga kapulisang ikakalat ay magsasagawa ng traffic moÂnitoring, civil disturbance at babantayan ang seguridad ng mga taong dadalo sa naturang anti-pork barrel rally.
Ipatutupad din ang traffic re-routing habang isinagawa ang rally at pinayuhan din ang maraming motorista na maghanap ng ibang alternatibong ruta upang makaiwas sa pagsisikip ng daloy ng trapiko.
Ayon sa pulisya makikipag-coordinate sa kanila ang mga organizer ng naturang kilos-protesta na tinaguriang “EDSA Tayo†upang tiyakin ang pananatili ng peace and order sa bisinidad na paggaganapan nito.