^

Metro

500 pulis ikakalat sa prayer rally sa EDSA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa 500 kapulisan ang ipapakalat ng National Capital Regional Police Office para sa isasagawang kilos protesta sa EDSA  sa darating na Miyerkules (Setyembre 11).

Ayon sa NCRPO, nabatid na ang 500 bilang ng mga pulis ay itatalaga para magmantina ng police visi­bility at peace and order ay magmumula sa Quezon City Police District at Mandaluyong City Police.

Nabatid na ang mga kapulisang ikakalat ay magsasagawa ng traffic mo­nitoring, civil disturbance at babantayan ang seguridad ng mga taong dadalo sa naturang anti-pork barrel rally.

Ipatutupad din ang traffic re-routing habang isinagawa ang rally at pinayuhan din ang maraming motorista na maghanap ng ibang alternatibong ruta upang makaiwas sa pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Ayon sa pulisya makikipag-coordinate sa kanila ang mga organizer ng naturang kilos-protesta na tinaguriang “EDSA Tayo” upang tiyakin ang pananatili ng peace and order sa bisinidad na paggaganapan nito.

 

AYON

IPATUTUPAD

MANDALUYONG CITY POLICE

MIYERKULES

NABATID

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SETYEMBRE

TAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with