^

Metro

Nilayuan ng barkada, binata nagbigti

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Winakasan ng isang binata ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti matapos na hindi umano makaya­nan ang pag-iisa nang layuan ng mga kabarkada, kahapon ng umaga sa Las Piñas City.

Nakilala ang nasawi na si Manolito Ybanez, 18, resi­ dente ng Dallas St., Phase 3, TS Cruz Subdivision, Brgy. Almanza Dos, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Las Piñas City Police, dakong alas-6:30 ng umaga nang madiskubre ng ina ng biktima na si Helen Grace, 41, ang bangkay ng anak na nakabigti sa loob ng banyo ng kanilang bahay.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Richard Credo ng Station In­ vestigation and Detective Ma­nagement Section, nagsi­mulang makitaan ng pagkabalisa ang biktima noon pang nakaraang buwan ng Hulyo matapos na ituro nito ang isa sa barkada na suspek sa pagnanakaw na naging dahilan sa pagkakulong nito.

Dahil dito, nilayuan na siya ng mga kabarkada at hindi na pinasama sa binuo nilang grupong “Palengke Boys”. Labis na dinamdam umano ito ng biktima na una na ring nagtangkang magpatiwakal noong Hulyo ngunit naaga­ pan ng ina.

 

vuukle comment

ALMANZA DOS

CITY POLICE

CRUZ SUBDIVISION

DALLAS ST.

DETECTIVE MA

HELEN GRACE

HULYO

LAS PI

MANOLITO YBANEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with