Carnap prince, timbog
MANILA, Philippines - Muling naaresto ng awtoÂridad si Mark Joseph Reyes Jr., matapos na maispatang dala ang isang carnap na sasakÂyan sa lungsod Quezon.
Si Mark Joseph Jr., ay maÂtatandaang 16-anyos nang unang madakip ng mga awtoridad matapos na siya at ang kanyang tatay ang leader ng notorious na carnap group na si Mark Joseph Reyes Sr., ay tumangay ng isang kulay itim na Toyota Fortuner ng Vice president ng Social Security System (SSS) na si Alfredo Villasanta sa Quezon City, noong 2011.
Ngayong 19-anyos na si Mark Joseph, ay ipinagpatuloy nito ang kanilang tinatawag na ‘family business’ kung saan siya nadakip kamakalawa ng gabi sa lungsod.
Ayon kay Superintendent Osmundo de Guzman, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Station 1, ang batang Reyes ay nadakip gaÂnap na alas-7:45 ng gabi sa panulukan ng Cuenco at Banawe Sts.
Sabi ni De Guzman, narekober sa kanya ng kanilang tropa ang nakaw na puting Honda Civic na pag-aari ng isang Gatsby Fay Balanay, 27, residente ng Vicente Cruz St., Sampaloc, Manila.
Dagdag ng opisyal, ang chasis number at engine numÂÂber ng sasakyan na may plakang WCG-898 ay nakumpirmang sa pag-aari ni BaÂlanay.
Gayunman, pinalitan ni Mark Joseph Jr. ang plaka ng numerong WRK-718 nang kanya itong imaneho patuÂngo sa isang auto shop para ipakumpuni.
Simula noong 16-anyos si Mark Joseph Jr. ay nakilala na ito sa ilang insidente ng carjacking.
Kabilang pa sa mga ito kung saan sina Mark JoÂseph Jr. at isang Christopher Ducot ang tinukoy sa rogues gallery na kahalintulad na suspect na nagkunwaring ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at puwersaÂhang tumangay sa isang puting Ford Escape ng Roey Frilles sa Cubao, Quezon City noong May 30.
- Latest