^

Metro

Burgundy tower sa Makati, bantay-sarado ng PNP

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bantay-sarado na ng mga tauhan ng Makati City Police ang Burgundy Corporate Tower upang matiyak na hindi na mauulit ang karahasang naganap sa loob nito kamakalawa na nagresulta ng pagkasawi ng isa sa mga nagbanggaang security guard.

Sinabi ni Makati City Police chief, Sr. Supt. Manuel Lukban na may mga tao na silang nakabantay sa labas ng gusali upang maiwasan ang muling pagpapadala ng security guard sa loob nito habang isinasailalim ang imbestigasyon sa naganap na pamamaril na nagresulta sa pagkasawi ni SG Jimmy Lagunsad.

Nasa 100 guwardiya buhat sa Spectrum Agency at SWAG Security Agency ang dinampot ng Makati City Police at isa-isa nang kinukunan ng pahayag sa insidente.  Ayon kay Lukban, malapit na umano nilang makilala kung sino ang salarin na nakabaril sa sekyu.

Natapos na umano nila ang “clearing operations” sa lahat ng 38 palapag ng gusali at nakakumpiska ng mga baril at shotguns na gamit ng mga security guards.

Sinabi ni Lukban na wala umanong koordinasyon sa kanila ang paghahain ni Sheriff Leonel Roxas ng “temporary restraining order (TRO)” laban sa mga lumang board of directors ng gusali kaya hindi nila napadalhan ito ng tauhan­ para magbigay-seguridad at sa halip ay mga tauhan ng Spectrum Agency ang isinama.

Sinalubong naman si Roxas at mga kasamang security guard ng mga tauhan ng SWAG Security Agency na nani­nilbihan naman sa mga pina-TRO na Board of Directors hanggang sa magkagirian at magkaputukan.

vuukle comment

BOARD OF DIRECTORS

BURGUNDY CORPORATE TOWER

JIMMY LAGUNSAD

LUKBAN

MAKATI CITY POLICE

MANUEL LUKBAN

SECURITY AGENCY

SPECTRUM AGENCY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with