Trader dedo sa tandem

MANILA, Philippines - Isang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang negosyante maka­raang barilin ng riding in tan­dem sa lungsod Quezon, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ni PO2 Alvin Qui­sumbing, ang biktima na si Reynaldo Arbon, 43, residente ng Centro St., Sitio Mabilog, Brgy. Culiat, Quezon City.

Ayon kay Quisumbing, dead on the spot sa lugar ang biktima matapos ang pamamaril na nangyari ganap na alas- 9:35 ng gabi sa kahabaan ng Abenojar St. corner FFF Extension, Sitio Mabilog.

Ayon sa ilang testigo, da­lawang suspect na sakay ng isang motorsiklo ang sangkot sa pananambang sa bik­tima. Hindi naman napla­ kahan ang motorsiklo

Sinasabing naglalakad ang biktima sa lugar nang duma­ting ang isang motor­siklo sakay ang dalawang suspect saka hinintuan ang biktima at walang sabi-sabing pinaulanan ng putok ng baril.

Matapos ang pamamaril ay agad na sumibat ang mga suspect at iniwang duguang nakahandusay sa lapag ang biktima.

Tinitignan din ng pulisya ang anggulo ng holdap dahil nawawala umano ang dala nitong pouch bag na po­sibleng may pera. Ga­yun­man, ang wallet at cellphone nito ay nakuha sa kan­yang bulsa.

Samantala, dagdag pa ni Quisumbing, base sa mga testigo, wala naman umano silang napuna na kinuha ang mga suspect mula sa biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.

Show comments