MANILA, Philippines - Patay ang isang ba rangay chairman, habang tatlo pa ang nasugatan kaÂbilang ang isang 2-anyos na bata na kasalukuyang kriÂtikal sa pamamaril sa loob ng barangay hall sa Balut Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.
Namatay habang nilaÂlaÂpatan ng lunas sa pagaÂmutan ang chairman ng Barangay 103, District 1 ng Tondo na si Rolando Reyes, 53, habang nilalapatan ng lunas sa magkakahiwalay na paÂgaÂmutan ang misis nitong si MariÂlou Reyes, 50; JuaÂnito FaustoÂ, 41, barangay tanod; at ang paslit na si Adrian Da guio, pawang mga residente ng Rodriguez St., BaÂlut Tondo, Maynila.
Dalawang suspect na armado ng hindi pa batid na kalibre ng baril ang tumakas matapos ang pamamaril.
Batay sa inisyal na ulat, nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa katawan ang nasawing tserman, habang stray bullets naman ang tumama sa tatlo subalit minalas na sa ulo ng paslit bumaon ang bala.
Naganap ang insidente dakong alas-9:05 ng umaga sa loob ng barangay hall, kung saan naroon ang mag-asawang bikÂtima. Isa sa dalaÂwang suspect ang may haÂwak na baril at agad na pinaputukan ng dalawang beses si chairman Reyes na nagtamo ng tama ng bala sa katawan at naÂdaplisan naman si Marilou.
Nang makita ito ni Fausto ay hinabol ang mga suspect kaya siya man ay pinaputukan ng mga suspect at tinamaan sa kanang binti.
Tinamaan naman ng ligaw na bala sa ulo ang batang naglalaro sa oras na iyon sa labas ng barangay hall.