Sanggol inabandona sa karinderya

MANILA, Philippines - Isang kasisilang lamang na sanggol na lalaki ang natagpuan makaraang iwan sa loob ng estante­ ng isang karinderya sa lungsod Quezon kahapon.

Ayon sa barangay of­ficial ng Brgy. South Tri­angle, ang sanggol na maayos namang na­tagpuan ay may suot pang diaper at may bote ng gatas sa kanyang tabi. Sa suot na damit ng sanggol ay may burda na nakalagay na  â€œYuri”.

Sabi pa sa ulat, ang nasabing sanggol ay itinawag lamang umano sa kanila ng isang ayaw magpa­kilalang may-ari ng karinderya matapos na makita ito sa isang estante na lalagyan ng ulam, alas-6:50 ng umaga.

Sinasabing alas-5:15 ng madaling-araw nang matagpuan ito kung kaya nang malaman ng ba­rangay ay agad na pinuntahan at kinuha.

Pinaniniwalaan ng ba­rangay official na kasi­silang pa lamang ng sanggol dahil may pusod pa ito nang matagpuan. Ibinigay na sa panga­ngalaga ng Department of Social Welfare and Development ang nasabing sanggol.

 

Show comments