MANILA, Philippines - Ibinuwis ng isang ama ang kanyang buhay makaraan itong saksakin ng ilang kalalakihan na gumulpi sa kanyang anak, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.
Dead-on-arrival sa PaÂgaÂmutan ng Lungsod ng MaÂlabon sanhi ng dalawang saksak sa likod ang biktima na si Teodulfo Dayuon, 54, truck driver ng Guiguinto, Bulacan.
Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si John Ongotan at hindi pa kilalang mga kainuman nito.
Batay sa ulat ng MaÂlabon City Police, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa kahabaan ng Pampano St., Dagat-Dagatan ng naturang lungsodÂ.
Minamaneho ng biktima ang isang trailer truck habang nagsisilbing pahinante naman ang anak nitong si Jonald, 23.
Pagsapit sa naturang lugar ng mag-ama ay naÂsagi nila ang isang sign board ng isang medical clinic.
Nagalit ang mga suspek at nilapitan ang truck ng mag-ama kung saan bumaba si Jonald at humingi ng pasensiya.
Hindi pinakinggan ng mga suspek si Jonald at pinagtulungang bugbugin na naging dahilan upang bumaba na rin ang biktima upang saklolohan ang anak, subalit naÂbaling sa kanya ang galit ng mga suspek hanggang sa pagÂtuÂlungang bugbugin ito at bago nagsitakas ay siÂnaksak pa sa likod si TeoÂdulfo na naging dahilan ng kanyang kamatayan.